22
videoke-microphone
By

Limitasyon sa paggamit ng videoke, umusad na sa Kamara

Sharing is caring!

Isinalang na sa pagdinig ng House committee on public order and safety ang panukala na limitahan ang oras sa paggamit ng videoke machine at iba pang uri ng sound system.

Iniakda ni Quezon Rep. Angelina Tan ang House Bill 1035 na naglalayong payagan lamang ang paggamit ng videoke o karaoke machine mula alas-8 ng umaga hanggang alas-10 ng gabi.

Sinabi ni Tan na may mga krimen gaya ng patayan na nag-uugat sa malakas na pagpapatugtog ng videoke. Mayroon din anyang masamang dulot sa kalusugan ang ingay batay sa mga isinagawang pag-aaral.


“HB 1035, may I respectfully submit, is a proposal that prevents environmental noise that perniciously affects the health and safety of the people. It is a novel measure in so far as it is now being proposed at the level of national legislation,” sabi ni Tan.

Bukod sa videoke machine, kasama sa ipagbabawal sa pagpapatugtog ng malakas ang radyo o CD player, television set, amplified musical instrument, drums at mga katulad na kagamitan.


Ang mga lalabag dito ay pagmumultahin ng P1,000 at maaaring makulong ng hindi hihigit sa anim na buwan.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?