173
Abante-TnT--Limang-rebelde-sumuko-sa-militar
Oct 19, 2017 @ 17:14

Limang rebelde sumuko sa militar

Limang miyembro ng New Peoples Army ang sumuko sa militar sa Barangay Nililidan, Kalamansig, Sultan Kudarat Miyerkules ng umaga.

Ayon kay 6th Infantry Division Spokesperson Captain Arvin Encinas sumuko mismo sa tropa ng 57th Infantry Batallion at Marine Batallion Landing Team 2 ang limang rebelde.

Kabilang ang mga ito sa Platoon Myphone ng Guerilla Front 73.

Sabay nila Isinuko ang kanilang isang M16 orifle, isang M14 rifle at isang Ultimax caliber 5.62 rifle.ol

Sinabi naman ni Major General Dela Vega ang commander ng 6th Infantry Division na ang pagsuko ng mga rebelde ay resulta ng magandang samahanan ng mga sundalo at civil authorities.

“This is one of the positive outcomes of an effective collaboration between the military and the civil authorities”, sinabi ni Major General Dela Vega. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?