41

May 22, 2020 @ 11:04
By

Limang proyekto sa NLEX, SCTEX, ipagpapatuloy na

Ipapagpatuloy na ang limang proyekto sa North Luzon Expressway (NLEX) at Subic-Clark-Tarlac Expressway (SCTEX) ayon kay NLEX Corp. president at general manager Luigi Bautista matapos pahintulutan ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

Matatandaan na ilan sa mga kumpanya at negosyo ang nag-balik trabaho matapos ang pinaluwag na quarantine sa bansa.

Kasama sa mga proyekto ang P6-billion NLEx harbor link C3-R10 section, P23-billion NLEx connector, P1.6-billion Subic Freeport Expressway capacity expansion, heavy maintenance program para sa Candaba viaduct at karagdagang lanes para sa SCTEx’s Clark South toll plaza.

Ayon pa kay Bautista, nasusunod ang mga safety at health protocols na inihain ng gobyerno bilang pagiingat sa coronavirus disease. (JAT)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?