22
red-tide

Limang probinsiya positibo sa red tide – BFAR

Sharing is caring!

Limang lalawigan sa bansa ang nagpositibo sa red tide ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR).

Sa Shellfish Bulletin ng BFAR nitong Mayo 21, ang mga lugar na nagpositibo sa ‘shellfish posion’ ay ang mga sumusunod:

Coastal waters ng Biliran Province

Coastal waters ng Leyte

Coastal waters ng Lianga Bay sa Surigao del Sur

Coastal waters ng Dauis at Tagbilaran City sa Bohol at

Coastal waters ng Honda Bay sa Puerto Princesa

“All types of shellfish and Acetes sp. or alamang gathered from the area shown above are not safe for human consumption,” ayon sa BFAR.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?