drinking-alcohol
By

Limang lalaki kulong sa pagtoma sa kalye

Sharing is caring!

Kulungan ang kinansadlakan ng limang lalaki dahil sa pag-inom sa kalye sa Binondo, Maynila noong Sabado ng gabi.

Kinilala ni Police Superintendent Julius Caesar Domingo, Station Commander ng Meisic Police Station(PS-11) ng Manila Police District ang mga naarestong lalaki na sina: Ariel Lumio, 41 anyos; Jason Galang , 23 ; Alvin Vale, 43; Eduardo Ludripas, 37 at Oscar Reigo, 38 anyos.

Batay sa imbestigasyon na isinagawa ni SPO1 Aldoner Larion, Station investigator, pasado alas 8:30 gabi ng Sabado habang nagsasagawa ng anti-criminality and law enforcement operation(SACLEO) ang anti-crime unit ng PS-11 ay namataan nila ang mga suspek na nagtotoma sa sidewalk ng San Fernando corner Barcelona Sts., sa Binondo dahilan para arestuhin nila ang mga ito.

Sa ilalim ng Section 5555 ng Revised City Ordinance sa lungsod ng Maynila, ipinagbabawal ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar.

Ihaharap sa piskalya sa Maynila ang limang suspek para sa kaukulang imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?