193

Mar 29, 2019 @ 15:10
By

Lim kumpiyansang mapapadapa sina Isko, Erap

Maagang umikot ang mga kandidato sa Maynila para sa unang araw ng pangangampanya sa hanay ng mga tumatakbo sa mga lokal na posisyon.

Magkasunod na dumalo sa isang misa sa Sto. Niño de Tondo Parish Church sina mayoralty candidate Isko Moreno at Alfredo Lim.

Dumalo ang grupo ni Moreno sa misa ng alas-sais ng umaga habang alas-otso ng umaga ang dinaluhan ni Lim.

Pagkatapos ng misa ay agad na nag-motorcade si Moreno kasama ang runningmate niyang si reelectionist Vice Mayor Honey Lacuna patungong Bustillos sa Maynila para sa kanilang proclamation rally.

Alas-6:30 naman ng gabi ang proclamation rally ni reelectionist Mayor Joseph Estrada sa Onyx St. at Sagrade De Pamilya malapit sa Dagonoy Market.

Samantala, sinabi ni Lim na tataob sa kanya sina Erap at Isko dahil hindi niya itinuturing na mga kalaban ang mga ito.

Kumpiyansa umano ang 89-anyos na dating alkalde na dadapa sa kanya ang dalawa dahil ramdam pa rin niya ang init ng pagmamahal sa kanya ng mga Manilenyo.

“Hindi naman ako kakandidato kung hindi ako naniniwalang mananalo ako eh,” ani Lim.

Umapela rin si Lim sa kanyang mga supporter na iwasan ang mga akusasyon o negatibong pangangampanya laban sa kanyang mga kalaban.

“Piliin ninyo ‘yung magandang kaugalian. Dahil ang pagkatao niya sa simula sa pagkabata hanggang sa nagka-edad, kung wala naman siyang inaapi, wala naman siyang pineperwisyo bagkus siya ay tumutulong sa nangangailangan, ‘yun ang kailangan natin,” dagdag ni Lim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?