30

By

Lim isasabak ang Altas sa PBA D-League

Sharing is caring!

Maraming nakitang magandang pagbabago si newly appointed Perpetual Help basketball consultant Frankie Lim simula ng sumanib ito sa Altas nakaraang buwan.

“They’re hungry and eager to learn, that’s my first impression of the team since I arrived,” saad ni Lim, na nais tulungan ang Las Pinas-based school na masikwat ang unang korona matapos nitong gabayan ang San Beda sa apat na titulo noong 2007, 2008, 2010 at 2011.

Kinuha ang serbisyo ni Lim upang makatlong sa Perpetual Help sa kanilang basketball program kasama si back up Altas coach Nosa Omorogbe.

Makikilatis ang Altas sa PBA D-League na magsisimula sa Enero 18.

Pakay ng Perpetual na makakuha ng experience sa PBA D-League bilang paghahanda sa susunod na NCAA season.

“We’re still in the rebuilding process and joining the D-League will help us how in getting playing experience,” ani Lim.

Hindi na naglalaro si Nigerian star Bright Akhutie sa Perpetual matapos tumawid ng bakuran sa University of the Philippines, tumapos ang Altas sa 93rd NCAA ng eighth place kasama ang College of St. Benilde na may tig 4-14 karta.

Kakapitan ng Perpetual Help sina veterans 6-11 Nigerian Prince Eze, AJ Coronel, Kieth Pido, Jack Hao at Antonio Tamayo. (Elech Dawa)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?