39

Dec 15, 2017 @ 19:13
By

Lim balik-NCAA sa UPH bench

Tinapik ng University of Perpetual Help ang kilala at betertanong mentor na si Frankie Lim bilang bagong consultant upang paghandaan ang kanilang kampanya sa 94th NCAA season sa susunod na taon.

“I’ve been appointed as a team consultant last month to help the team and also in recruitment,” saad ni Lim kahapon.

Nilabas ang desisyon matapos ihayag ng NCAA Policy Board ang lifting na indefinite ban ni Lim dahil sa away niya kay San Sebastian College volleyball coach Roger Gorayeb may limang taon na ang nakaraan.

Natapos na ni Gorayeb ang two-year suspension nito habang hindi pa tapos ang kay Lim.

Noong Miyerkules, inapela ng Perpetual Help kay Management Committee representative Frank Gusi na ibaba na ang pinataw na parusa kay Lim.

Inaasahang matutulungan ng championship experience ni Lim ang Altas.

May apat na championships bilang coach si Lim at naging parte ng San Beda squad bilang player na nagwagi noong 1978.

“It’s a good feeling to be back in the NCAA and I hope to help Perpetual Help in a big way,” panapos ni Lim, na naging coach ng Brgy. Ginebra. “I’m just here as a consultant that was what chairman (Antonio Tamayo) and I have agreed upon,”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?