12

Sep 9, 2021 @ 14:45
By

Lily Collins nagpatali na sa dyowang direktor

Ikinasal na si Hollywood star Lily Collins sa nobyo niyang si Charlie McDowell.

Ibinunyag ito ng Bristish-American actress sa kanyang Instagram post nitong Miyerkoles.

“I’ve never wanted to be someone’s someone more than I do yours, and now I get to be your wife. On September 4th, 2021 we officially became each other’s forever. I love you beyond @charliemcdowell,” caption niya sa kanyang Instagram post kung saan makikita ang wedding kiss nila ni McDowell.

Ayon sa ulat, ikinasal ang dalawa sa Dunton Hot Spring sa Colorado.

Kaugnay nito, nagbahagi rin ang direktor ng ilang litrato nila ng kanyang misis.

“This moment will forever play inside my head,” caption niya.

Nag-comment naman dito ang aktres at sinabing: “My husband ❤️”

Kasalukuyang bumibida ngayon si Collins sa Netflix series na “Emily in Paris.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?