20

By

‘Lilo dance’ ni Lindsay Lohan benta sa mga fan

Sharing is caring!

Nag-viral ang isang dance video na ginawa ng aktres na si Lindsay Lohan at tinawag niya itong ‘The Lilo’. Sa naturang video, makikita si Lohan na sumasayaw sa kanyang beach club sa Mykonos, Greece.

Ang mga dance move niya ay hair flips, shimmying, finger snaps at twirling.

Ilang oras pagkatapos na ma-post on video sa social media, nagkaroon na ito ng iba’t ibang memes. Noong September 3, ilang videos ng kanyang dance ang pinost ni Lohan sa kanyang Instagram at may hashtag ito na #DoTheLilo.

Sinayaw rin ng kanyang mga kaibigan na sina Busy Philipps at Kelly Oxford ang #DoTheLilo habang nasa kusina sila.

“@kellyoxford and I are trying our best to give you full Mykonos Lohan this Friday night Honestly, it’s weirdly harder to nail than it seemed. Respect,” post ni Philipps.

Sinubukan din itong sayawin nila Chrissy Teigen at Jenna Dewan. Epic fail naman daw ang aktres na si Selma Blair nang mag-attempt siya na sayawin ang The Lilo. “I tumbled while trying,” post pa niya.

View this post on Instagram

#DoTheLilo 💃🏻🕺🏼

A post shared by Lindsay Lohan (@lindsaylohan) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?