38

Jul 8, 2019 @ 14:48
By ,

Lillard sinelyuhan na ng Trail Blazers

Pinapirma ng Portland Trail Blazers ang guard na si Damian Lillard ng multi-year contract extension, mismong ang presidente ng basketball operations ng tropa na si Neil Oshley ang nagsabi.

Apat na taon ang extension kay Lillard sa ilalim ng kontrata nito mula sa 2023-24 season na may player option para sa 2024-25.

“Since the day we drafted Damian he has exemplified every quality an organization could hope for in a franchise player,” sabi ni Olshey sa balita ng ESPN.

“His perpetual leadership, willingness to embrace responsibility for outcome on the floor and ability to set a cultural standard illustrates what it means to be a Portland Trail Blazer and makes us ecstatic he has chosen to extend his contract at the first opportunity.”

Ang 28-anyos na si Lillard ang ikalawang Trail Blazers, kasama si Clyde Drexler, na nakatanggap ng All-NBA honors ng apat na beses at isa siya sa tatlong manlalaro sa kasaysayan ng NBA na nakasikwat ng 1,500 points at 400 assists sa unang pitong season nito sa liga.

Si Lillard din ang nakatanggap ng 2018-19 J. Walter Kennedy Citizenship Award at rumehistro ng 23.5 points (43.4 % FG, 36.8% 3-PT, 88.9% FT), 4.2 rebounds, 6.3 assists at 0.97 steals sa 549 na laro nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?