38

May 2, 2019 @ 13:15
By

Lillard malas, pero Portland nakaeskapo sa Denver

Hindi man naging maganda ang shooting ng Portland Trail Blazers star na si Damian Lillard, sapat pa rin ang kanyang kontribusyon para maitabla ang serye kontra Denver Nuggets, 97-90, sa Game 2 sa Pepsi Center.

14 points lang ang iniambag ni Lillard, maalat sa 5-of-17 shooting, ngunit maraming naging katuwang para makuha ang unang panalo sa serye.

Kumamada ng 20 points, tig-anim na rebounds at assists ang kanyang backcourt partner na si CJ McCollum, may 15 markers at nine boards naman si Enes Kanter, samantalang double-double performance naman ang kinubra ni Al-Farouq Aminu, may 11 points at 10 rebounds.

Samantala, humatawa pa rin si Nikola Jokic para sa Nuggets, sumikwat ng 16 points, 14 boards at pitong assists, habang may 14 points, 11 rebounds naman si Paul Millsap.

Sa nasabing laro, umakyat ang kalamangan ng Portlang sa 15 papasok sa halftime kahit pa malas si Lillard.

Sa Sabado muling maghaharap ang dalawa, tangan na ng Portland ang homecourt advantage.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?