47

May 20, 2019 @ 12:47
By ,

Lillard biglang bagsak ang laro, may injury

Uminda ng separated left ribs injury si Portland Trail Blazers star Damian Lillard sa Game Two ng Western Conference Finals kontra Golden State Warriors.

Unang lumabas ang balita sa The Athletic kasabay ng pagkumpirma ni Lillard sa nasabing injury nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas) isang araw matapos ang 110-99 na Game Three na pagakatalo ng Trail Blazers.

Inamin ni Lillard na nagsuot siya ng protective padding sa Games 3 ng laro kung saan tumapos siya ng 19 points sa likod ng 5-of-18 na field goals.

“I don’t think it’s something that’s affecting my game. It’s there but it’s not something that’s affecting anything that I’m doing. Obviously you feel it, but that’s it,” wika nito.

Ininda ni Lillard ang nasabing injury sa third frame ng Thursday game nang madaganan siya ni Kevon Looney ng mag-agawan ito sa bola.

Sinabi rin ni Lillard na may mga oras na masakit at nahihirapan siyang huminga kapag nakakabanggaan niya ang ilang manlalaro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?