61

Jul 5, 2022 @ 21:22
By

Lilipat na ng Lakers? Kyrie Irving bumili ng mansyon sa LA

Nangangamoy “balikan” sina LeBron James at Kyrie Irving.

Bumili kasi si Irving ng mansyon sa Los Angeles na nagkakahalaga ng $3.7 milyon.

Usap-usapan na ang muling pagsasama ni Irving at dati niyang teammate sa Cleveland Cavaliers na si LeBron sa isang blockbuster trade.

Nag-uusap umano ang Lakers at Brooklyn Nets tungkol sa trade na nakasentro sa pamimigay kay Russell Westbrook kapalit ni Irving.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?