32

Sep 14, 2021 @ 14:42
By

Lil Nas X, Kim Kardashian patalbugan sa Met Gala

Maraming leeg ang nabali kakalingon sa pormahan nila Lil Nas X at Kim Kardashian-West sa 2021 Met Gala.

Agaw-pansin ang all-black attire ni Kardashian dahil pati mukha niya ay kanyang tinakpan at buhok lamang ang nakalabas.

May zipper lamang sa mga mata at bibig ng kanyang kasuotan.

Hindi rin naman nagpahuli si Lil Nas X na nagsuot muna ng makapal na kapa na kulay ginto.

Nang alisin niya ito, bumungad ang mala-iron man na costume na lahat ay kulay ginto rin.

Ngunit ‘di pa ito ang huli, tinanggal ni Lil Nas ang gold armor at dito na lumantad ang mas fit na costume na may touch of gold din.

Dinumog ng mga netizen sa social media ang dalawa dahil sa magagarbong kasuotan. (MJD)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?