351

Feb 5, 2020 @ 11:02
By

Ligtas sa ambush, negosyante napatay ang gunman

Hinabol at binunggo ng isang negosyante ang motorsiklo ng riding-in-tandem na suspek sa pananambang sa kanya sa Pikit, North Cotabato nitong Linggo.

Sakay ng kanyang pulang bulletproof na Mitsubishi Montero, binangga ni Jade Omar, 50, ang nasabing motorsiklo kaya nalaglag at namatay noon din ang isa sa mga suspek na kinilala ng pulisya na si Antong Ibrahim, alyas “Anthony Balindong.”

Bago ito, pinagbabaril ng mga suspek ang kotse ng negosyanteng taga-Cotabato habang bumibiyahe ito sa Barangay Poblacion, Pebrero 2.

Sa ngayon, pinaghahanap ng Pikit Police ang nakatakas na ‘di kilalang suspek at inaalam ang motibo sa ambush.

Binigay din ni Omar ang kanyang kotse sa pulisya para sa imbestigasyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?