75

Oct 28, 2017 @ 14:45

Ligtas na biyahe sa himpapawid, tiniyak ng CAAP

Sumabay na rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) sa ibang ahensiya ng gobyerno na may kanya-kanyang ‘Oplan Undas 2017.’

Sa bahagi ng CAAP, tinitiyak nila ang ligtas at maginhawang paglalakbay sa himpapawid ngayong nag-umpisa nang magsi-uwian sa kanilang mga probinsiya ang mga kababayan para sa paggunita sa Undas.

Magdadagdag ng kanilang mga tauhan ang ahensiya para sa operasyon ng 38 commercial airports sa bansa hanggang sa ikalawang linggo ng Nobyembre.

Nangako ang CAAP ng mabilis na pagpoproseso sa mga pasahero mula sa kanilang pag-check in para sa kanilang biyahe.

Sinabi ni CAAP Dir. Gen. Jim Sysiongco, ang sarili nilang “Oplan Undas 2017” ang kanilang hakbang sa utos ni Transportation Sec. Arthur Tugade na dapat ay nasa ‘heightened alert’ status ang lahat ng government transport agencies. (Pinggoy Romero)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?