57

Oct 2, 2019 @ 15:49
By

Lightning red alert itinaas, mga flight sa NAIA sinuspinde

Sinuspinde ang flight at ground operations sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos itaas ng PAGASA ang red lightning alert warning nitong Miyerkoles ng hapon.

Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), itinaas ang red lightning alert alas-2:26 ng hapon.

“The alert will be lifted as soon as PAGASA deems it safe to continue operations,” saad ng MIAA.

Paliwanag ng MIAA, ang alert ay safety measure para maiwasan ang anumang hindi magandang pangyayari dahil sa kidlat.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?