87

Oct 26, 2018 @ 20:52
By ,

‘Ligang-labas’ ng 4 Altas player, warning lang ang katapat

Pormal nang naglabas ng pasya ang pamunuan ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) tungkol sa isyu ng ligang-labas na kinasasangkutan ng apat na manlalaro ng University of Peprpetual Help System Dalta.

Sa isang-pahinang desisyon ng Management Committee ng NCAA, tanging warning lamang ang ipinataw sa Perpetual Help matapos nga nitong maglaro sa ‘ligang-labas’.

“The Policy Board resolves FINALLY to REPRIMAND and STERNLY WARN the UPHS DALTA that a similar infraction in the future shall be dealt severely under NCAA Rules,” sabi ng desisyon.

Matatandaan na may ilang linggo na ang nakakaraan nang pumutok ang balita na apat na manlalaro ng Altas ang naglaro sa ligang labas, sina Kim Aurin, Edgar Charcos, Kyt Jimenez at Tonton Peralta.

Matapos lumabas ang balita ay naghain ng pormal na sulat ang College of Saint Benilde upang imbestigahan ang naturang isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?