22

Jan 18, 2018 @ 21:14
By

Lifetime ownership ng cellphone number, aprub sa Senate committee level

Inendorso na ng Senate committee on economic affairs ang panukalang batas ukol sa lifetime ownership ng cellular phone numbers.

Ayon kay Senator Sherwin Gatchalian, chairman ng kumite, sa Senate Bill No. 1636, kapag naibigay na sa isang subscriber ang cellphone number, sa kanya na ito habampanahon.

Maigigiit ito ng consumer kahit lumipat mula postpaid tungong prepaid at vise versa at kahit lumipat ng telecommunications company (telco).

Sa paghahatag ng panukalang batas para sa plenary debates, sinabi ni Gatchalian na ayaw ng ilang subscriber o consumer na lumipat kahit palpak ang kanilang telco dahil nanghihinayang na mawala ang cellphone number na matagal nang ginagamit.

Pero kapag naisabatas itong kaniyang isinusulong, mabibigyang laya ang mga subscriber na pumili ng telco na mahusay ang serbisyo gamit ang dating numero,

Ang cellphone number ay magiging bahagi rin digital identity ng subscriber. (Isaac Mendez)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?