87

Oct 11, 2017 @ 15:59

Lifestyle check kay Paolo, Mans pang-cover up lang – Trillanes

Isa lang umanong pang-cover ni Senador Richard Gordon ang panukala nitong isailalim sa lifestle check ang anak at manugang ni Pangulong Rodrigo Duterte na parehong idinawit sa P6.4 bilyong shabu shipment, ayon kay Senator Antonio Trillanes IV.

Sa draft report ng Senate blue ribbon committee na pinamumunuan ni Gordon, inabswelto sa pananagutan sina Davao City Vice Mayor Paolo Duterte at bayaw na si Atty. Manases Carpio subalit ipinasasailalim sila sa lifestyle check.

“Suspected drug pushers and users are wantonly killed in the streets while the people behind the illegal drug smuggling are mere subjected to a lifestyle check. This is a clear case of a cover up by Senator Gordon to please his political master,” reaksiyon ni Trillanes kahapon.

Ayon sa senador, kung talagang seryoso si Gordon na mahalungkat ang lahat ng sangkot sa anomalya, hindi nito agad iteterminate ang hearing hangga’t hindi lumulutang si Nanie Cabato-Coronacion o Tita Nanie.

Si Tita Nanie ang pinangalanan ni Customs fixer Mark Taguba na tulay nito sa Davao Group upang maipuslit ang kanyang mga kargamento.

Nakasaad din sa draft report ang rekomendasyon para kasuhan sina dating Customs Commissioner Nicanor Faeldon at lima pang opisyal ng BOC na ssinasabing sangkot sa pagpapalusot ng shipment. (Dang Samson-Garcia)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?