244

Jul 17, 2019 @ 20:52
By

Life-size standee ng pumanaw na ina, bitbit sa graduation, mga netizen naiyak

Tinupad ng isang netizen ang wish ng namayapa niyang nanay na makasama ito sa graduation ng kanyang anak.

Sa kanyang tweet, dinala ni Paulo John Alinsog ang life-sized photo ng kanyang nanay sa kanyang graduation.

Nakapagtapos siya ng Bachelor of Science in Business Administration major in Business Management sa Lyceum of the Philippines University Manila.

“SA PINAKA MAGANDA KONG NANAY! MA, GRADUATE NA PANGANAY MO SANA HAPPY KA JAN SA PILING NI GOD. ITO ANG GUSTO MO KAYA TINAPOS KO. MAHAL NA MAHAL KITA,” mensahe ni Paulo.

Naiyak naman ang mga netizen sa tweet ni Paulo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?