47

Mar 1, 2021 @ 15:58
By

Liezel Lopez, fan ni Carmina Villarroel, John Estrada

Ipinahayag ni Liezel Lopez ang kanyang pagiging fan sa dalawang beteranong artista na sina Carmina Villarroel at John Estrada.


“Actually, especially kay Ms. Carmina, sobrang na-starstruck talaga ako sa kaniya. Nakasama ko na siya sa ‘Kara Mia’ before, pero iba talaga kapag magka-scene kayo eh,” wika ni Lopez sa isang panayam ng GMA Artist Center.

Aniya, marami siyang natutunang aral sa dalawa.

“Sobrang, ewan ko, namo-motivate ako sa kanila. ‘Yung ang dami ko ring nakukuhang pointers. Parang ‘Ah, puwede kong i-try ito ah,'” sambit niya.

Aniya, naging madali rin katrabaho sina Villaroel at Estrada dahil naramdaman niya ang mainit na pagtanggap sa kanya.

“Ang dami nilang advise tsaka nai-inspire ako to work better, to do more sa job ko. Sobrang ang sarap sa feeling especially kapag sila ‘yung kaeksena, sobrang easy ng work,” saad ni Lopez.

Makakatrabaho ng newbie sa industriya ang dalawang beteranong artista sa isang prime series ng GMA.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?