166

Sep 13, 2018 @ 15:00
By

Liderato ng Kamara, tutol sa aplikasyon ng prangkisa ng SBPC

Haharangin umano ng liderato ng Kamara ang pambabraso ng ilang mambabatas para ipasa sa panukalang pagbibigay ng legislative franchise sa Solar Para sa Bayan Corporation (SPBC).

Ayon kay Senior Deputy Minority Leader Lito Atienza (Buhay Partylist), mismong si dating Pangulo at ngayo’y House Speaker Gloria Macapagal-Arroyo ang nagsabi sa kanya na ipagpatuloy lamang na ilantad sa publiko ang mga ‘sweet heart’ deals na naka-paloob sa panukalang franchise application ng SPBC na pagmamay-ari ni Leandro Legarda Leviste, anak ni Senate Finance Committee chair Loren Legarda.

“The leadership, as far as I see it now, with facts being brought out… is not for it. That’s how I see it. The Speaker has not lobbied for the approval, and in fact sabi nga niya (sakin): ‘continue your studies of the issues and bright it out to the public (lahat ng mga iregularidad),” sabi ni Atienza.

Dagdag pa ng mambabatas, mismong si Majority Floor Leader Rolando Andaya ang nagbigay sa kanya ng pangakong hindi muna tatalakayin sa plenaryo ang House Bill 8179 hangga’t hindi umano nareresolba ang mga iregularidad na nakapaloob sa panukalang prangkisa para sa SBPC.

Si Atienza at ilang kongresista, sa pamumuno ni 1-PACMAN Partylist Rep. Mikee Romero, ay naghain nitong Miyerkoles ng isang resolusyon upang muling ibalik ang aplikasyon ng SBPC sa House committee on legislative franchises na pinamumunuan ni Palawan Rep. Franz ‘Chicoy’ Alvarez.

Babala ni Romero, papatayin ng kompanya ni Leviste ang mga maliliit na power producers lalo na sa mga probinsya at rehiyon dahil mistulang dambuhalang monopolyo ang kompanya ni Leviste na nagbabalik magtayo ng mga ‘mini-grid’ sa buong bansa kung sakaling makalusot sa Kamara ang prangkisa ng kanyang solar company.

“Siya na magsu-supply ng kuryente at siya rin ang magdi-distribute, eh papatayin niya lahat ng electric cooperatives, distribution units, ng independent power producers, even the transmission line he will kill it because he has his own (electric grids),” giit ni Romero.

Dadag pa ni Romero, ‘unconstitutional’ ang hinihiling ni Leviste sa kanyang franchise application dahil buong bansa ang saklaw nito at mauuwi lamang sa pag-kontrol ng buong industriya ng solar power.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?