34

Lider sa Windsor Castle, nanawagan hinggil sa mga pulubi

Nanawagan ang isang lider ng local authority na may sakop sa Windsor Castle kung saan gaganapin ang kasal nina Prince Harry at American actress Meghan Markle nitong Mayo 19 sa mga pulis hinggil sa mga pulubi sa lugar.

Ayon kay Simon Dudley, pinuno ng Royal Borough ng Windsor, sa AFP na sumulat siya sa hepe ng lokal na pulisya hinggil sa mga pulubi sa lugar bukod pa sa mga gamit na madalas nitong iniiwan na isang banta sa seguridad.

Nakatakdang magpakasal si Prince Harry kay Markle sa St. George’s Chapel sa Windsor Castle, isa sa tirahan ng lola niyang si Queen Elizabeth II.

“I write to set out my concerns regarding the policing response to anti-social behaviour, including aggressive begging and intimidation in Windsor,” ani Dudley sa sulat na isinapubliko sa website ng local authority.

Dagdag pa niya, dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga turista sa royal wedding, dapat siguruhin ang kaligtasan sa lugar.

“I request that you give immediate attention to the issues facing Windsor, and ensure all necessary financial and human resources necessary to protect our local residents, businesses and visitors,” sabi pa ni Dudley.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?