674

Jul 15, 2019 @ 14:29
By

Lider sa pagnanakaw sa MetroBank Binondo, may kaugnayan sa mga Parojinog

Inilabas na ng pulisya ang mga tinuturong suspek sa panloloob sa MetroBank Binondo Branch noong nakaraang Huwebes, Hulyo 11.

Ayon sa Manila Police District, lider ng mga holpader ang isang Marlon Parojinog, o kilala ring Ailon.

Saad ng awtoridad, may ugnayan ang lider at ang pamilya Parojinog sa Ozamiz City na kilala sa drug operation sa lugar.

Pinangalan din sina Jing-jing Mofan, Michael Calunod, Frederex Secretario, Gilbert Mofan, Nicanor Fiel, Jerry Galleto at isang alyas ‘Barok’ ng mga pulis bilang suspek sa pagnanakaw.

Saad pa sa datos, 10 ang miyembro ng holdup group at gumamit umano ng 10 calibre .45 pistol, limang rifle at ilan pang baril na hindi tukoy ang kalibre sa operasyon.

Tuloy pa rin ang pagtugis sa mga suspek at sinumang makakapagturo ay may pabuyang P1M na offer ni Manila Mayor Isko Moreno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?