47
abante-tnt-vismin-dead-barilan
By

Lider ng sindikato patay sa Bulacan

Nanlaban at idineklarang dead-on-the-spot ang kinikilalang leader ng isang gun for hire at carnapping group matapos na makipagbarilan sa isinagawang follow-up operation, kamakalawa nang hapon sa Bulacan.

Nakilala ang nasawing suspek na si Bryan Raga mula sa notoryus na grupong Raga Group na sangkot sa serye ng carnapping at gun for hire na nambibiktima sa ilang parte ng Bulacan.

Batay sa report, naganap ang operasyon sa Doña Remedios Trinidad, Bulacan, kung saan nakumpirma ng pulisya ang pinagkukutaan ng magkapatid na Raga. Subalit nakatunog umano ang mga ito kaya nagkaroon ng palitan ng putok ng baril sa pagitan ng mga suspek at tauhan ng pulisya.

Makaraan ang ilang minutong barilan, napatay si Bryan samantalang nakatakas naman ang kanyang kapatid na si Juan Raga na subject for manhunt pa rin ng pulisya.

Nakumpiska mula sa bahay ng biktima ang isang granada, isang 9mm na baril, shotgun at iba’t ibang uri ng bala.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?