5
men-in-jail-arrested-shabu

Lider ng sindikato ng droga, laglag sa Legazpi City

Sharing is caring!

Nasakote ng mga kagawad ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa Bicol ang isang hinihinalang pinuno ng illegal drug group sa ikinasang raid sa Barangay Victory Village, Legazpi City noong Miyerkoles.

Sa bisa ng search warrant, inaresto si Larry Loveriza dakong alas-12:06 ng hatinggabi sa bahay nito sa nabanggit na barangay.

Lider umano si Loveriza ng Loveriza drug group na nag-o-operate sa siyudad.

Nakuha sa kanya ang 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P300,000.

Samantala, nakatakas naman ang misis ni Loveriza na kasama rin sa search warrant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?