20
shabu2
By

Lider ng robbery gang, timbog sa Camarines Norte

Sharing is caring!

Nadakip na ng mga tauhan ng PNP CIDG Bicol Region ang lider ng criminal gang na responsable sa serye nang pangho-holdap at pagbebenta ng shabu Camarines Norte.

Kinilala ang suspek na si Rogelio Avila Jr., 43 anyos, residente ng Brgy. Osmeña, Jose Panganiban, Camarines Norte at lider ng Avila criminal Gang.

Sinabi ni PNP CIDG Bicol Region chief, Senior Supt. Wilson Asueta na inaresto ang suspek sa pamamagitan ng warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court Branch 64 sa Daet, Camarines Norte dahil sa kasong robbery with violence against or intimidation if person.

Nakuha mula sa suspek ang isang 38 revolver, isang fragmentation grenade, isang transparent sachet na may lamang shabu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?