51

Nov 19, 2018 @ 15:18
By

Lider ng MILF bumisita sa AFP headquarters

Sa kauna-unahang pagkakataon, tumapak sa Armed Forces of the Philippines (AFP) general headquarters ang isang lider ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinalubong si MILF chairman Al Haj Murad Ebrahim ng mga matataas na opisyal ng AFP sa Camp Aguinaldo kabilang na si chief of staff General Carlito Galvez Jr.

Ang pagbisita umanong ito ay sumisimbolo ng pagwawakas ng dekada nang iringan sa pagitan ng militar at ng MILF.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?