15

Jun 24, 2022 @ 16:49
By

Lider ng magsasaka pinagbabaril ng riding in tandem, patay

Patay ang isang lider ng magsasaka matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang suspek sa Lingayen, Pangasinan.

Kinilala ang biktimang si Rodrigo Fernandez, presidente ng Lingayen Farmers’ Association, resident ng Brgy. Lasip.

Ipinahayag ni Lingayen Police station deputy chief Police Major Ria Tacderan, naganap ang insidente sa tapat ng bahay ni Fernandez.

Pinagbabaril gamit ang .45 kalibre ng baril ang magsasaka mula sa likod. Agad namang tumakas ang mga suspek.

Tinamaan ng bala ang katawan ng biktima na kanyang ikinamatay.

Iniimbestigahan na ng awtoridad ang krimen at inaalam ang motibo ng pagpatay sa lider ng mga magsasaka sa naturang bayan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?