1,432

Oct 30, 2017 @ 13:17

Lider ng kidnapping syndicate, opisyal ng PNP

May ranggong superintendent ang lider ng kidnap for ransom group na dumukot at pumatay sa negosyante at junket operator na si Carlos Tan.

Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police Anti-Kidnapping Group Chief, Police Sr. Supt Glenn Dumlao.

Kinilala ang police officer na si Supt. Johnny Orme na dating nakatalaga sa holding unit ng Southern Police District.

Nasa holding unit ng SPD ang opisyal matapos ang masangkot sa maanomalyang buy-bust operation sa Batangas noong siya ay intelligence officer pa ng Paranaque PNP.

Bago ito, naitalaga rin siya sa Maritime group at dito niya na nakilala si Alex Gozum nagsisilbing financier, abductor at tipster ng kidnap for ransom group.

Na-recruit ni Orme sina PO3 Rodel Estonactoc, PO1 Ramil Espejo at PO1 Rolando Albios na nasawi sa noong Biyernes sa isinagawang operasyon ng PNP AKG kasama ang isa pang Erwin Escobido na nagsisilbing personal driver ni Gozum.

Kusang loob na sumuko naman si SPO1 Benjamin Pagarigan at naaresto si PO3 Arman Labrador.

Patuloy na pinaghahanap Orme at Gozum.

Si Tan ay dinukot at pinatay ng mga kidnaper na pulis noong October 21, 2017. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?