14
ABANTE tiklo jail arrested crime girl theft
By

Lider ng gun running syndicate natiklo

Sharing is caring!

Naaresto ng Pasig Police ang kinikilalang lider ng Usodan gun running syndicate matapos ang ikinasang search warrant operation, kamakalawa ng tanghali sa Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Batay sa nakalap na report mula sa tanggapan ni Eastern Police District (EPD) Director Bermabe Balba, nakilala ang suspek na si Paner Usodan y Sultan, 53-anyos, may-ari ng Jam’s Motorcycle Parts and Accessories at residente ng Block 42,Lot 2& 3, Barangay Sta Ana, Taytay, Rizal.

Si Usodan ay inaresto ng pinagsanib na puwersa ng Southern NCR CIDG at EPD Intelligence Unit sa dalang bisa ng search warrant sa kasong paglabag sa RA 10591 o illegal selling of loose and unlicensed firearm ng RTC-NCR, Branch 152, Pasig City bandang 12:20 Huwebes ng tanghali sa loob ng kanyang tindahan na matatagpuan sa kahabaan ng C6 Road, Corner Eusebio Ave., Barangay Pinagbuhatan, Pasig City.

Nakumpiska mula sa suspek ang isang .38 caliber revolver na walang serial number at limang bala.

Si Usodan ay kilalang leader ng Usodan gun running group na iligal na nagbebenta ng mga armas at nago-operate sa Taguig at Pasig City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?