111

By

Lider ng gun-for-hire, todas sa shootout

Sharing is caring!

Patay ang isang lider ng gun-for-hire habang arestado ang dalawa nitong kasamahan matapos na manlaban sa mga awtoridad nang isilbi sa kanila ang warrant of arrest sa Brgy. San Vicente, Tarlac City kahapon.

Sa ulat ng pulisya, alas-5:30 ng hapon nang isilbi ng mga tauhan ng Tarlac City Police Station at Samar Police Provincial Office ang warrant of arrest laban sa Oquendo Gang na pinamumunuan ni Genesis Oquendo, alyas Etin Oquendo.

Pero nanlaban ang mga ito at nagkaroon ng ilang minutong engkuwentro.

Sa pangyayari ay nasawi si Oquendo habang nadakip ang dalawa nitong kasama na sina Henry Palmones, 48-anyos, residente ng San Francisco, Guinubatan, Albay, at Victor Vasquez, 40, residente ng Banao, Guinubatan , Albay.

Si Oquendo ay Number 1 Most Wanted Person sa Samar na may patong sa ulo na P50K.

Nakuha sa mga suspek ang tatlong piraso ng kalibre .45 baril habang walang naitalang sugatan sa panig ng operating team.

Nagpapatuloy naman ang pagtugis ng pulisya laban sa iba pang kasamahan ng grupo. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?