133

Oct 23, 2017 @ 11:39

Lider ng gun-for-hire, 4 pa tiklo

Patay ang lider at apat na miyembro gun for hire group matapos makipagbarilan sa mga pulis kaninang madaling-araw sa Cavite City.

Kinilala ang nasawing lider ng gun-for-hire na si Airon Cruz, alyas Toyo/Praning at apat na iba pang hindi pa nakikilala.

Sa ulat ng Cavite City Police Station, alas-4:15 ng madaling-araw nang mangyari ang engkuwentro sa Lopes Jaena St., Barangay 30, Cavite City.

Nagkaroon ng engkuwentro matapos paputukan ng mga suspek ang mga pulis habang nagsasagawa ng oplan galugad sa lugar.

Agad namang rumesponde ang mga tauhan ng PNP SOCO. (Red Fortaleza)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?