49
gun-men
By

Lider ng gun for hire ng Cavite, arestado sa Surigao

Sharing is caring!

Arestado ang isang kilalang leader ng gun-for-hire group na nago-operate sa Cavite matapos nalambat sa ikinasang buy-bust operation, Sabado ng umaga sa Surigao City.

Batay sa report, nagsagawa ng buys bust operation ang CIDG-TFU Surigao del Norte kasama ang ilang tauhan ng Cavite Police Station Drug Enforcement Unit sa Barangay Sabang, Surigao City makaraang makatunog na nasa Surigao ang most wanted person na si Ronald Black Francisco, dating chairman ng Barangay 30 sa Cavite City.

Nagpanggap umanong poseur-buyer ang isang pulis at bumili ng shabu na nagkakahalaga ng P500 sa suspek at nang aktong ibibigay na ang shabu ay agad na dinakma ito at inihain na ang warrant of arrest para sa kasong murder.

Nakumpiska kay Francisco ang isang kalibre-.45 na baril at 3 bala, walong sachet na naglalaman ng shabu at buy-bust money.

Pansamanatalang nakadetine sa Surigao detention cell ang suspek habang inaayos ang kaukulang dokumento pabalik ng Cavite City.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?