38

By

Lider ng drug syndicate tumba sa buy-bust

Sharing is caring!

Dalawa katao kabilang ang lider ng Ka Reggie Robbery Group, na isa ring drug syndicate, ang patay sa isinagawang buy-bust operation sa Caloocan City, Biyernes ng umaga.

Sa ulat ng Northern Police District-Criminal Investigation Detection Group, alas-10:00 ng umaga nang magsagawa ng buy-bust laban sa mga suspek na si Reggie de Guzman, 31, itinuturong lider ng nasabing sindikato, at isang nakilala lang sa alyas na Jayson Paguia, sa kahabaan ng Sabalo Street, Barangay 12 ng nasabing lungsod.

Nakatunog ang mga suspek na patibong ang kanilang pinagbentahan ng iligal na droga kaya pinaputukan ng dalawa ang mga awtoridad.

Agad namang nakaganti ng putok ang mga pulis kaya nasawi ang mga suspek.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?