59
patay
By

Lider ng drug gang tumba sa Antipolo

Sharing is caring!

Napatay ang isang lider ng grupo na sangkot sa iligal na droga at kriminal na aktibidad sa Antipolo City sa lalawigan ng Rizal noong Sabado.

Ayon sa report, nagsagawa ng buy-bust operation ang mga awtoridad alas-tres ng hapon sa Golden Hills Subdivision sa Barangay San Roque nang manlaban ang suspek na si Alden Gallo at magpaputok ng baril sa kalagitaan ng transaksyon.

Namatay noon din sa crime scene si Gallo habang nakatakas ang kasabwat nito.

Si Gallo umano ang lider ng Alden-Paeng Group na sangkot sa illegal drug trade at binabayaran din para pumatay. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?