10

By

Lider ng CPP, 2 pa arestado sa Kyusi

Sharing is caring!

Nasakote ng pinagsanib na puwersa ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang umano’y lider ng rebeldeng grupong Communist Party of the Philippines (CPP), at dalawang kasamahan nito, at nakumpiskahan pa ng high-powered firearms, mga bala, granada at ilang subersibong dokumento, sa bisa ng ng search warrant sa Novaliches, Quezon City.

Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) Director, P/Chief Supt. Joselito Esquivel Jr., ang mga naarestong suspek ay nakilalang sina Vicente P. Ladlad, na may mga alyas na ‘Eduardo Reyes,’ ‘Boss Ed,’ at ‘General Reyes’, na umano’y lider ng National United Front Commission at miyembro ng CPP Central Committee; Antonio M. de Jesus, alyas ‘Kuya Tony,’ at isang alyas ‘Ate Anna.’

Batay sa ulat ng QCPD, dakong alas-12:43 ng madaling araw kahapon nang maaresto ng mga operatiba ng awtoridad ang mga suspek sa Lot 16-A, Block 3, Saint Mark St., kanto ng Saint Joseph St., Doña Tomasa, Brgy. San Bartolome, Novaliches.

Sinabi ni Esquivel, nakatanggap ng report ang pulisya hinggil sa presensya ng mga kahina-hinalang indibidwal sa lugar, at nang makumpirma ay agad na isinagawa ang pagsalakay sa bisa ng Search Warrant na inisyu ni Executive Judge Cecilyn E. Burgos-Villavert ng Regional Trial Court (RTC) Branch 89, National Capital Judicial Region.

Kaagad namang inaresto ang mga suspek matapos na makumpiskahan ng isang Russia SKS (AK 47 na may bayoneta); isang magazine assembly para sa AK 47 na may 9 rounds ng 7.62×39 mm ammunition; isang Elisco M16A1 assault rifle; tatlong magazine assemblies; at dalawang M16A1 assault rifle na loaded ng 80 rounds ng 5.56mm ammunition.

Kabilang sa nasamsam ang isang kalibre 45 Colt MK IV series 80; dalawang magazine assemblies para sa kalibre .45 na loaded ng 21 rounds ng ammunition; isang caliber .9mm pistol; isang magazine assembly para sa kalibre 9mm na loaded ng tatlong rounds ng ammunition; isang Colt caliber 45 pistol; isang magazine assembly para sa kalibre .45 na loaded ng limang round ng ammunition; apat na hand grenade; electronic equipment; at mga subversive document.

Ayon sa QCPD, si Ladlad ay isa sa mga consultants ng NDF na lumutang noong panahon ng usapang pangkapayapaan sa gobyerno ngunit nagtago ng hindi magtagumpay ang naturang peace talk.

Ang mga suspek ay sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?