28

By

Lider ng ASG, 9 na iba pa sumuko sa militar

Sharing is caring!

Kusang loob na sumuko sa tropa ng 64th Infantry Batallion ng Philippine Army ang isa sa sub-leader ng Abu Sayyaf group (ASG) at siyam nitong mga followers sa Barangay Tumahubong, Sumisip, Basilan kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Gerry Besana ang tagapagsalita ng AFP Western Mindanao Command ,ang sumukong ASG sub-leader ay si Bobong Mastul alyas Bobong,habang ang mga miyembro nito ay kinilalang sina Atotong Sarahadil alyas Atotong, Mudzrie Salahudin Jabbon alyas Mudzrie, Sapwan Kapitan Aliman alyas Sapwan, Nassir Jaid Tahil alyas Bola, Hair Tiglama Kawakibon alyas Abbang, Adeh Kawakibon alyas Abu Muadz, Rubin Ikih, Aminin Baliyong alyas Apik, at Suedin Muril alyas Kubing.

Isinuko rin ng mga terorista ang kanilang tatlong M16 rifles, isang M79 grenade launcher, isang Ingram sub-machine pistol, isang 5.56mm carbine, isang M1 Garand rifle, ibat ibang magazines at ammunitions at mga communication equipment.

Nasa kustodiya ng 64IB ang mga sumukong ASG para sa profiling, custodial debriefing, at proper documentation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?