50
ABANTE gatchalian win licuanaan palitan student chair
Jan 15, 2018 @ 16:41

Licuanan palitan ng mas bata, pro-student – Gatchalian

Ipinatitiyak ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi maaapektuhan ng pagbibitiw ni dating Commission on Higher Education (CHED) chairman Patricia Licuanan ang full implementation ng Free Higher Education Law.

Sa batas na ito, itinatadhana ang libreng matrikula at miscellaneous fees sa mga state at local university at college.

Kaugnay nito, hinimok ni Gatchalian, chairman ng Senate committee on education, si Pangulong Duterte na agad magtalaga ng kapalit ni Lucanan.

Kailangan umano ng CHED chairman na mas bata, may pagkiling sa mga estudyante at handang lumaban sa pagtataas ng gastusin sa pag-aaral sa kolehiyo.

Inungkat na nakabangga niya noon si Licuanan dahil kumontra ito noon sa Free Higher Education Law.

“On the other hand, Dr. Licuanan’s resignation presents an opportunity to appoint a younger, more dynamic CHED chair who is more sensitive to the struggles and aspirations of the students,” sabi ni Gatchalian.

“I urge the President to appoint a genuinely pro-student CHED chair – one who whole-heartedly supports the Free Higher Education Law, and is ready to fight the unjust imposition of additional costs which threaten the right of all Filipinos to quality and accessible education at all levels,” dagdag nito.

Kahit inungkat ang dati nilang banggaan, kinilala naman ng senador ang mabilis na sa pamumuno ni Licuanan, mabilis na nagawa ng CHED ang guidelines para sa implementasyon ng batas ukol sa libreng matikula sa kolehiyo at unibersidad ng estado.

“I hope that her sudden exit will not have a negative impact on the free college policy at this critical state of its implementation,” sabi ni Gatchalian.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?