83
ABANTE ched chair licuanan solons
Jan 15, 2018 @ 10:58
By

Licuanan, hindi pa lusot sa pananagutan – solons

Welcome sa mga kongresista ang pagbibitiw ni Commission on Higher Education (CHED) Chair Patricia Licuanan.

Ayon kay Puwersa ng Bayaning Atleta (PBA) Partylist Rep. Jericho Nograles, tama lang ang ginawa ni Licuanan.

Sinabi naman ni Iligan City Rep. Frederick Siao, na dati niya pang iminungkahing magbitiw na si Licuanan dahil sa kondisyon ng kanyang kalusugan.

Gayunpaman, sisilipin pa rin anila ng Kongreso ang isyu sa pagkaantala ng allowances sa ilalim ng K to 12 Transition Program.

“I am certain that Congress will exercise its Oversight Powers to get to the bottom of this P5.275B mess,” ani Nograles.

“Though Dr. Licuanan has left the CHED, the need for the investigation remains,” ayon naman kay Siao. (Pearl Serrano)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?