428

Jan 7, 2019 @ 21:05
By

Libungan, Cotabato Mayor Cuan nakaligtas sa ambush

Nakaligtas sa pananambang si Libungan town Mayor Christopher “Amping” Cuan nitong Lunes ng hapon.

Ayon sa inisyal na report, nangyari ang tangkang pagpatay dakong ala-1:40 ng hapon sa harap ng Libungan Municipal building.

Agad umanong nakapagtago sa gilid ng municipal building ang alkalde habang tinamaan ng ligaw na bala ang isang ‘di pa kilalang municipal government employee na kasama ng alkalde nang mangyari ang insidente.

Si Cuan ay kasama sa mga listahan ng narco politicians.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?