17

Jan 28, 2021 @ 14:43
By

Libu-libong OFW umatras sa repatriation matapos mabakunahan kontra COVID-19

Binawi ng mahigit 50,000 OFW ang request nilang repatriation assistance sa gobyerno matapos silang mabakunahan laban sa coronavirus disease, ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III.

“Of the about 500,000 na humiling ng repatriation, may umatras na mga 60,000, and they gave us the reason na umatras na sila, hindi na sila nagpapa-repatriate dahil nabakunahan sila,” ani Bello sa Laging Handa public briefing nitong Huwebes.

Kaya naman masasabing nasa 50,000 hanggang 60,000 Pilipino ang nabakunahan na kontra virus sa ibang bansa.

Aniya, hindi pa kasama rito ang mga OFW na frontliner sa England at Germany.

Kaugnay nito, simula ng COVID-19 pandemic ay mahigit 400,000 Filipino migrant worker na ang naiuwi sa bansa habang nasa 550,000 sa kanila ang nawalan ng trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?