458

Dec 9, 2017 @ 11:45

Librong pambata vs child labor, inilunsad ng DSWD

Naglunsad ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) at National Child Labor Committee ng isang librong pambata o storybook sa kampanya nila kontra child labor.

May pamagat itong ‘Si Elena At Ang Kanyang Mga Pangarap’, na tumatalakay sa child labor.

Layon nito na mamulat ang mga kabataan pati na ang mga nakaranas na magtrabaho sa murang edad sa panganib na nadudulot ng child labor.

Parte rin ito upang mapalakas ang kampanya laban sa child labor sa mga barangay at komunidad.

Unang ipamamahagi ang mga libro sa CALABARZON Region V at Region VIII, sa mga komunidad at eskuwelahan.

Ayon sa survey ng Philippine Statistics Authority (PSA), may 2.1 milyong child laborers na may edad 5 hanggang 17 sa bansa kung saan 95% ay gumagawa ng mapanganib na trabaho.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?