126

By

Libro sa warehouse, hindi ‘unused’ kundi ‘buffer stock’ – Briones

Nilinaw kahapon ni Department of Education (DepEd) Secretary Leonor Briones na ‘buffer stock’ at hindi ‘unused’ ang mahigit tatlong milyong librong una nang napaulat na nakatambak lang sa sa kanilang warehouse.

Sa pagdinig kahapan ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, sinabi ang nasabing buffer stock ng mga libro ay gagamitin sa panahon na nagkakaroon ng kalamidad.

“This represents 3.5 million copies of textbooks which constituted to buffer stock,” paliawanag ni Briones sa pagdinig.

Gagamitin din umano ang buffer stock ng mga libro bilang pamalit sa mga nasira o nawalang mga aklat.

Mahigit sa P80 milyong halaga ng mga aklat ang naipamahagi sa buong bansa ngayong taong ito.

Naunang nang kinalampag ng Commission on Audit ang DepEd kaugnay ng P113 milyong halaga ng libro at iba pang learning materials na nakatambak lang umano sa kanilang warehouse.

Nilinaw naman ni Briones na obserbasyon lang naman iyon ng COA at nagawa na umano nilang magpaliwanag sa ahensiya.

Wala din naman umanong sinabi ang COA na nagkaroon ng korapsiyon sa paggawa ng mga libro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?