25

By

Libreng WiFi sa mga gov’t hospital nilunsad

Prayoridad ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mapalakas ang internet access sa mga pampublikong lugar partikular na sa mga government hospital sa bansa.

Bunga nito, pinangunahan ni Sec. Gringo Honasan sa Victoriano Luna Hospital, East Avenue Medical Center at Philippine Childen’s Medical Center sa paglulunsad sa access point para sa libreng WiFi.

Magugunitang pinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa DICT na i-interconnect ang lahat ng negosyo, public schools at government office sa bawat Filipino.

Target ng DICT na magbukas ng 50,000 libreng WiFi hotspot nationwide sa pagtatapos ng administrasyong Duterte.

Sunod naman na target mabigyan ng libreng WiFi ang mga pampublikong paaralan at tanggapan ng gobyerno.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?