120

By

Libreng WiFi, charging station inilunsad ni Yorme Isko

Inilunsad ni Manila Mayor Isko Moreno ang libreng internet, charging station at phone booth sa labas ng Manila City Hall.

Ayon kay Moreno, kayang mag-accommodate ng 100 users ang ISKOnek, na pinalakas ng Eastern Communications.

Maaari umanong kumonekta ng 30 minuto ang mga user bago sila ma-disconnect para naman makagamit ang iba.

May charging ports umano ang fiber-powered system na ito at maaari ring magamit para libreng makatawag sa telepono.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?