75

Sep 22, 2019 @ 18:04
By

Libreng Wi-Fi, mararanasan sa San Juan

Sisimulan sa Lunes ang inaabangang memorandum of agreement o MOA signing at ceremonial switching ng libreng Wi-Fi para sa lahat ng taga-San Juan.

Ito ang ibinibida ni San Juan Mayor Francis Zamora kasunod ng programang San Juan’s Smart City Program kung saan ang lungsod ang tinaguriang pilot city ng programa ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

“Ang ibig sabihin po nito ay tayo po ang unang lungsod sa Pilipinas na magkakaroon ng Free Wi-Fi Zones sa bawat barangay mula sa kanilang departamento,” ayon kay Mayor Zamora.

Magaganap ang MOA signing bandang alas-12:45, Lunes ng tanghali sa San Juan City Hall kasama si DICT Sec. Gringo Honasan para sa pagkakaloob ng programa para sa San Juan.

Kasama sa magkakaroon ng Wi-Fi ang City Hall, San Juan Medical Center, mga barangay halls, multipurpose halls, barangay basketball courts, Pinaglabanan Shrine, palengke, mga public schools, PUP San Juan at marami pang iba’t ibang public areas na masasakupan ng internet access points na ikakalat sa buong lungsod.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?