100

Feb 1, 2020 @ 14:21
By

Libreng sakay sa Pasig River Ferry, extended hanggang Feb. 29

Inanunsyo ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na pinalawig ang libreng sakay sa Pasig River Ferry Service (PRFS) nitong buong buwan ng Pebrero.

Ayon kay MMDA Chairman Danilo Lim, layon ng extension ng “Libreng Sakay” na maipakita pa ang maraming benepisyo sa pagsakay sa ferry kabilang na ang convenient mode ng transportasyon.

Nagsimula ang free ride nang ilunsad ang PRFS noong Disyembre 2019 na nagtapos dapat nitong Enero 31, 2020.

Kaya hinihikayat ni Lim ang mga mamamayan na hindi pa nasubukan ang Pasig River Ferry Service na samantalahin ang pagkakataon.

Sa kasalukuyan ay pinaplanong magtayo ng tatlong ferry station, sa Quinta Market sa Manila, Circuit Makati sa Makati at Kalawaan sa Pasig.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?